^

Metro

Nasa drug list, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na nasa drug watch list ng kanilang barangay makaraang malapitang barilin sa ulo ng apat na hindi nakilalang salarin, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

 Nakilala ang nasawi na si Mamerto Velasquez, alyas Elmer, 43-anyos, may-asawa, pedicab driver, at naninirahan sa Acero Street, Brgy. Tugatog, Malabon City.

 Sa ulat ng Malabon City Police, sakay ang biktima ng isang bisikleta dakong alas-3:45 ng hapon nang harangin ng apat na lalaki sa kanto ng Plata at Bronze Street sa Brgy. Tugatog, at saka barilin sa ulo. 

 Nabatid na kagagaling lang ng biktima sa kanilang barangay hall para sa pagdalo sa isinampang kaso sa kanya.

Patuloy na blangko ang pulisya sa pagkaka-k­ilanlan sa mga salarin bagama’t maraming naka­kita sa krimen. 

Ayon sa pulisya, ito ay posibleng dahil sa takot ng mga saksi na sila naman ang balikan ng mga kriminal sa oras na magsalita.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with