^

Metro

4 timbog sa wildlife trafficking

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
4 timbog sa wildlife trafficking

Ang mga nasabat na iba’t ibang uri ng ibon na kabilang sa endangered species na ibinebenta sa black market sa isinagawang operasyon sa Pasay City. May 300 mga ibon at iba pang hayop na sinasabing nagkakahalaga ng P10 milyon ang nasamsam ng mga awtoridad.  Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Apat na kalalakihan ang dinakip nang pinagsanib na pwersa ng pulisya, National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos masabat sa mga ito ang nasa 300 iba’t ibang uri ng ibon at iba pang hayop na karamihan ay endangered species na tinatayang nasa P10 mil­yon ang halaga kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang mga nadakip na si Abraham Bernales, may ari ng bahay at mga caretaker nito na sina Joner Bawente; Nestor Turion at Jose Sandigan.

Base sa report,  alas-10:00 ng gabi nang salakayin nang pinagsanib na pwersa ng Pasay City Police, NBI at DENR ang bahay ni Berna-les sa San Gregorio  Village ng naturang lungsod.

Ayon kay Atty. Cezar Eric Nuqui, ang hepe ng En­vi­ron­mental Crime Division ng NBI, nakatanggap sila ng im­pormasyon na may nagaganap na big time wildlife trafficking at dinadala ang mga hayop sa naturang  lugar.

Doon na aniya sila nagkasa ng buy-bust operation kung saan bumili ang opera­tiba ng isang Black Palm Cockatoo sa halagang isang­daang libong piso.

Sa isinagawa nilang pagsalakay ay tumambad sa isang kwarto ang mga hawla kung saan nakakulong ang iba’t ibang uri ng Cockatoo na itinuturing nang endangered species tulad ng sulphur-cres-ted, moluccan at black palm.

May mga ibinebenta ring rainbow lorry at black cap lory na nasa listahan ng endangered species ng mga ibon. Nadiskubre rin sa lugar ang mga sugar glider, tatlong juvenile ostrich, at dalawang kangaroo.

Karamihan sa mga ibon ay galing sa Indonesia na ibinebenta rin online dito sa bansa.

Nabatid na nasa 300  mga hayop ang kanilang nakum-piska na tinatayang nasa sampung milyong piso ang halaga.

Ayon kay Rogelio Demelletes Jr.,  ng DENR-Biodiversity Management Bureau, walang permit ang lugar at hindi maayos ang pag-aalaga sa mga hayop.

Dinala sa rescue center ng DENR sa Quezon City ang mga hayop at isasailalim sa quarantine.

Depensa ni Bernales, ba­gaman sa kanya ang bahay ay pinatago lang sa kanya ang mga hayop. Pero sa  pag-amin ng mga caretaker, nagbeben-  ta talaga ng mga ibon si Bernales at sinusuwelduhan sila ng P10,000 kada buwan.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with