PISTON president kakasuhan ng MMDA
MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kasuhan ang leader ng isang transport group at mga miyembro nito matapos nilang sirain ang ilang tow trucks na accredited sa naturang ahensiya na naganap, kahapon ng umaga sa Maynila.
Ayon sa tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago, pinag-aaralan na ng legal department ng MMDA na kasuhan si PISTON President George San Mateo, dahil ilan sa mga miyembro nito ang nanira ng dalawang tow trucks na naka-deploy sa España, Maynila.
“We can file charges against the leader of the group, but we are still studying kung anong kaso isasampa sa kanila,” sabi ng Pialago.
Sinira umano ng mga miyembro ng PISTON ang naturang mga tow trucks dahil tinangkang hatakin ng mga ito ang ilang sasakyang gamit ng grupo ng naka-illegally parked.
Matatandaan na ipinagpaliban ng PISTON ang kanilang dalawang araw na tigil -pasada para mariing tutulan ang nakatakdang pagpapatupad na jeepney modernization programa ng pamahalaan.
Ipinagpaliban ng naturang grupo ang pagkilos matapos manawagan sa mga ito si Senador Grace Poe.
Sa halip na mag-strike, nagsagawa na lamang ng transport caravan ang naturang grupo.
- Latest