^

Metro

Kelot sinalvage ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinalvage ng riding-in-tandem ang isang lalaking sinasabing nasa drug watchlist sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Mariano Sabolao, alyas Totoy, 50, at naninirahan sa Kaunlaran Village, Brgy. NBBS, ng naturang lungsod.Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa dalawang salarin.

Sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang madiskubre ang bangkay ni Sabolao sa kahabaan ng Road 10 Brgy. Bangkulasi, ng mga tauhan ng Police Community Precinct 3.

Bago ang pagkakatagpo, naghahanda sa paglaot ang isang mangingisda sakay ng kanyang bangka na nakadaong sa ibaba ng tulay ng Road 10 nang makarinig ng tatlong magkakasunod na putok ng baril. Agad naman siyang hu-mingi ng saklolo sa nagpapatrulyang tauhan ng PCP 3.

Nabatid naman na isang security guard ang nakasaksi sa pagdating ng isang motorsiklo lulan ang tatlong lalaki.  Kinaladkad ng dalawa ang isa na naka­gapos saka pinagbabaril sa ulo at mabilis na tumakas. Hindi naman umano niya namukhaan ang mga salarin.

 Narekober sa lugar ng krimen ang dalawang cartridges ng bala buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril at isang bahay ng posporo na may lamang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu. 

Nabatid naman na kasama sa drug watchlist ng pulisya ang biktima at malaki ang posibilidad na iligal na droga ang dahilan ng pamamaslang.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with