Beautician lasog sa tren
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Lasug-lasog ang mukha at katawan ng isang 34-an­yos na bading na beautician matapos masagasaan at makaladkad pa ng may 10 metro ng tren sa riles ng Phi­lippine National Railways (PNR) sa bahagi ng Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Marvic dela Cruz, (diumano’y bading­),  residente ng Phase 5, Block 15, Lot 37, Towerville, Minuyan Proper, San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Supt. Aquino Olivar, hepe ng Manila Police District-Station 4, dakong alas-7:15 ng gabi nang maganap ang aksidente sa southbound ng PNR railroad sa panulukan ng Antipolo at Maria Clara St., Sampaloc.

Ayon kay traffic investigator SPO1 Christopher David, naglalakad sa riles ang bik­tima at posibleng hindi alin­tana na malapit na sa kaniya ang paparating na tren hanggang sa masagasaan at makaladkad pa.

Nabatid sa pamunuan ng PNR, tinangka pang mag-emergency break ng driver ng tren na si Arjon Catura, subalit huli na dahil sa biglang nakita na lang na nakatayo sa riles ang biktima na mistulang nag-suicide.

Malakas umano ang busina ng tren kaya malabong hindi ito marinig ng biktima.

May train martial din umano ang PNR na bumaba­ bago tuluyang bumiyahe ang sang­kot na tren na  agad nakipag-ugnayan sa mga awtoridad at sa pamilya ng biktima dahil sa insidente.

Gayunman, may kaunting­ financial assistance na ipinagkakaloob umano ang pa­mu­nuan ng PNR sa naaksi­dente na sangkot ang kani­lang tren.

Napag-alaman na ang bik­tima ay dating residente sa lugar na dumalaw lamang sa mga kaibigan dahil sa bispe­ras umano ng piyesta­. 

MARVIC DELA CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with