Dead on the spot si ex-Captain Noel Laceda,40, dating nakatalaga sa HHSBN ng Philippine Army at naninirahan sa MRB Condominium, Brgy. Ususan nang nasabing lungsod sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. File photo

Ex-Captain ng Army, itinumba ng tandem
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Utas ang isang dating opisyal ng Philippine Army na sinasabing sangkot umano sa holdapan at pagbebenta ng droga matapos itong pagbabarilin ng riding- in-tandem, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Dead on the spot si ex-Captain Noel Laceda,40, dating nakatalaga sa HHSBN ng Philippine Army at naninirahan sa MRB Condominium, Brgy. Ususan nang nasabing lungsod sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya para sa pagkakakilanlan sa mga suspect.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., director ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente ala-1:40 kahapon ng madaling araw sa Pumping Station ng Brgy. Wawa, Taguig City habang ang biktima ay nakatayo  sa naturang lugar nang biglang dumating  ang isang motorsiklong walang plaka lulan ang dalawang kalalakihan.

Isa sa mga suspect ang bumunot ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Ayon sa Taguig City Police, sangkot uma­no ang nasawing biktima sa holdapan at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang natu-rang insidente.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with