^

Metro

Re-routing sa Pista ng Nazareno, inilabas ng MMDA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglabas na kahapon ng schedule ng re-routing ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil isasara ang ilang kalye sa Maynila kaugnay nang pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Poong Nazareno.

Para sa kaalaman ng mga motorista ang lahat ng behikulong magmumula sa Northern area ng Maynila na dadaan ng Bonifacio Drive Southbound (Manila Hotel and other offices at Port area) ay kakanan ng Rober­to S. Oca St. 

Ang prusisyon ng Itim na Poong Nazareno ay ka­ka­li­wa sa Delgado, kaliwa sa 25th St., kaliwa sa  Bonifacio Drive, kakanan sa A. Soriano hanggang Magalla-nes Drive, kanan sa P. Burgos, pa­tungong Lagusnilad hanggang Taft Avenue.

Samantalang ang ibang mga behikulong sa Southbound, ay kakaliwa sa  A. Soriano patungong destinasyon.

Ang lahat ng behikulong dadaan naman sa Taft Ave­-nue Northbound ay  kakanan sa A. Villegas (Arroceros), ka­kanan sa Quezon bridge patungong destinas­yon (Note: Northbound of Quezon Boulevard is open to traffic).

Lahat namang behiku-long galing ng  Southern part  ng Manila na magtutungo ng Northbound ng Roxas Boulevard mula T.M. Kalaw  hanggang P. Burgos at kakanan ng T.M. Kalaw hanggang destinasyon. Kakaliwa  sa Andalucia, kanan ng  Fugoso, kaliwa ng  T. Mapua, hanggang destinasyon.

Sa Nicanor Reyes ay kakanan ang mga behikulo sa  C.M. Recto, deretso ng Jose Abad Santos, kaliwa  ng Reina Regente, kaliwa ng  Juan Luna St., kaliwa ng San Vicente St., dadaan ng Jones Bridge  hanggang destinasyon.

Ang lahat namang behikulong galing Divisoria na patungong Recto ay kaka­nan T. Alonzo, kakanan ng Fugoso, kaliwa ng Oroquie­ta, kaliwa ng Alvarez St., kaliwa ng Andalucia hanggang  destinasyon.

Lahat namang sasakyan  galing Legarda kakanan ng  at C.M. Recto o kaya kakaliwa ng Mendiola hanggang destinasyon hanggang Nagtahan via A.H. Lacson hanggang  Capulong (vice-versa). 

Ang lahat naman ng bus galing ng Southern part ng  Maynila ay bawal pumasok  sa Taft Avenue mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali at hanggang Pres. Quirino Ave­nue lamang ang mga ito.

vuukle comment

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with