^

Rider todas sa tandem

Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang rider ang binawian ng buhay nang pagbabarilin ito ng riding in tandem habang ang una ay lulan ng kanyang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Harry Parlasigan, 27, ng Brgy.  76,  Zone 10 ng nasabing lungsod, nagtamo ito ng limang tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa kalibre .45 baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya para sa pagkaka­kilanlan at ikadarakip ng dalawang suspect.

Sa pagsisiyasat ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-8:30 ng gabi sa kahabaan ng FB Harrison ng naturang lungsod. 

Lulan ang biktima ng kanyang kulay asul na Yamaha Mio at habang binabagtas nito ang naturang lugar, biglang sumulpot mula sa likuran nito ang isang walang plakang motorsiklo kung saan lulan ang mga suspect. Bumunot ang isa sa mga suspect ng baril at walang salitang pinagbabaril ang biktima.

Pagkatapos nang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect at ang duguang biktima ay dali-daling isinugod ng mga bystander sa naturang ospital, ngunit hindi na ito umabot ng buhay­. Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa motibo nang pamamaslang dito.

PASAY CITY RIDER TODAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with