^

Metro

Bebot inakusahang ‘informer’, hinataw sa ulo, kritikal

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  46-anyos na baba­eng vendor ang nasa kritikal na kondisyon matapos ma­pag­kamalang ‘informer’ ng mga pulis at hatawin ng matigas na bagay sa ulo ng isang lalaki na sa­ng­­kot sa illegal na kalakaran ng droga, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Khalid Ang, ng Manila Police District-Police Station 1, agad na dinala sa  Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), si Nancy Campollo, ng  Magsaysay St. corner Sampaloc St., Tondo, Maynila, ng kanyang kinakasamang si  Manuel Llarenas dahil sa mga tinamong sugat sa ulo.

Naganap ang insidente da­kong alas-3:10 ng hapon sa ha­rapan ng bahay ng biktima.

Paalis na umano ng bahay ang biktima at si Llarenas nang sumulpot ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Muslim at taga-Perla St. Tondo, Maynila at saka biglang hinataw ng matigas na bagay sa ulo si Campollo. Nahinto lamang ang panghahataw ng suspek ng makialam na  si Llarenas at tumakas naman ang suspek.

Bago ang insidente ng paghataw sa bikitma, nalaman na nagkasagutan na umano ang biktima at ang suspek ma­tapos akusahan ng huli ang bik­tima na ‘informer’ ng mga pulis dahil sangkot umano ito sa bentahan ng illegal na droga sa lugar.

vuukle comment

INFORMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with