^

Metro

3 pa utas sa buy-bust

REAL SPORTS SCENE - Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
3 pa utas sa buy-bust
Isa sa tatlong nasawi ang nakilala na si Rodel Dela Cruz; isang alyas Robert Putol, nasa 30-35 taong gulang, 5’3” taas, blonde ang buhok, putol ang kanang braso, at tadtad ng tattoo ang katawan; at ikatlo ay nasa 30-35 taong gulang, 5’7” ang taas, nakasuot ng itim na kamiseta at short pants.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Tatlong lalaki na hinihinalang mga ‘tulak’ ng ilegal na droga ang pawang nasawi nang maki­pagbarilan umano sa mga umaarestong tauhan ng Caloocan City Police sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa sa naturang lungsod.

Isa sa tatlong nasawi ang nakilala na si Rodel Dela Cruz; isang alyas Robert Putol, nasa 30-35 taong gulang, 5’3” taas, blonde ang buhok, putol ang kanang braso, at tadtad ng tattoo ang katawan; at ikatlo ay nasa 30-35 taong gulang, 5’7” ang taas, nakasuot ng itim na kamiseta at short pants.

Sa ulat, nagkasa ng ‘buy bust operation’ ang mga tauhan ng Police Community Precinct 1 dakong alas-2:30 kamakalawa ng madaling araw sa may kanto ng Zapote at Tandang Sora St., Brgy. 140, upang maaresto ang target na mga ‘tulak’.

Habang nasa gitna umano ng transaksyon, nakahalata ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-deal kaya nagsibunot ng kanilang mga baril at pinaputukan ang mga awtoridad na masuwerteng hindi tinamaan. Gumanti ng putok ang mga ala­gad ng batas dahilan para masawi ang tatlong suspek.

Narekober ng mga pulis sa mga suspek ang isang kalibre .38 na baril, isang pen gun, isang kalibre .22 na sumpak, mga bala, napaputok na cartridges, at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with