^

Metro

Mag-live-in niratrat sa loob ng bahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang may ki­nalaman pa rin sa iligal na droga ang ginawang pamamaril at pamamaslang sa isang pinaghihinalaang ‘tulak’ at sa kinakasama nitong babae sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 Nakilala ang mga nasawi na sina Fernando Lorenzo at Ronalyn Sabala, ng A. Ma­bini Street, Brgy. Concepcion, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-10:05 ng gabi sa loob ng bahay ng mga biktima. Kumakain ng hapunan sina Lorenzo at Sa­­bala nang pasukin ng mga  armadong lalaki at pagba­barilin ang mga biktima.

Agad na nasawi si Lorenzo dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan habang nalagutan ng hininga sa loob ng Pagamutang Bayan ng Malabon si Sabala dahil sa tama ng bala sa likod at sa kanang hita.

Ayon sa mga kaanak ni Lorenzo, pinayuhan na umano nila ito na tumigil na ito sa pagtutulak ng droga ngunit nagmatigas ito. Posible umano na may onsehan na naganap kaya nilikida si Lorenzo at nadamay pa ang kinakasama.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with