Fil-Chinese trader sa Maynila, hinimok mamuhunan sa Quezon City Banawe Chinatown
MANILA, Philippines – Hinimok ni Quezon City Vice Mayor at Tourism Czar sa lungsod Joy Belmonte ang mga Filipino-Chinese businessmen sa Maynila partikular sa Binondo na palawakin ang negosyo sa pamamagitan ng paglalagak ng negosyo sa Banawe Chinatown sa QC.
Ayon kay Belmonte, malaki ang maitutulong ng mga negosyante ng Binondo upang mapalakas ang turismo at trade investments sa QC.
“Considering that many of these merchants also live in QC, the Banawe area could be a viable alternative business site.., sana nga po magkaroon din tayo ng branch ng 168 Mall dito sa Quezon City,” pahayag ni Belmonte . Sa ngayon anya, ang lokal na pamahalaan ng QC ay nagbibigay ng mababang halaga lamang ng investments para sa transformation ng Banawe Street bilang isang major tourism district sa lungsod.
Isa anya sa mga development sa Banawe ay ang pagpapalawak ng sidewalks dito at pagpapahusay ng daloy ng trapiko sa lugar.
“By next year, we could be inaugurating some of these projects,” dagdag ni Belmonte .
Ang QC government ay katulong ng QC Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc. (QCAFCBI) at ng QC Chinatown Development Foundation, Inc para ganap na maging tourism district ang Banawe area sa lungsod. Kaugnay nito, nanawagan si Charles Chen, ng QC Chinatown Development Foundation, Inc. sa kapwa Tsinoy businessmen na magsama- sama para mapaganda ang QC Chinatown sa Banawe Street bilang isang prime tourist destination at isang special growth area.
Sa ilalim ng Ordinance 2453, ang QC Chinatown ay nakakasakop sa mga lansangan sa may Sgt. Emilio Rivera Street sa norte, Eulogio Rodriguez Sr. Avenue sa timog, Mayon Street sa kanluran at Gregorio Araneta Avenue ng silangan.
- Latest