Trike driver itinumba

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - December 25, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang tricycle driver ang nasawi makaraang pagbabarilin isang rider habang naghihintay ang una ng kanyang pasahero sa kanilang terminal sa lungsod Quezon kamakalawa.

Si Jomar Vinarao, 46,  ng Pingkian St., Brgy. Pasong Tamo ay nagawa pang isugod sa ospital, subalit idineklara din itong dead on arrival, ayon kay SPO2 Virgilio Mendoza.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan sa salarin na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa toda terminal na matatagpuan sa kahabaan ng Bansalangin St., Brgy. Veterans Village, ganap na alas- 5:45 ng hapon.

Ayon sa isang testigong si Joson, nakaupo umano ang biktima sa kanyang tricycle habang naghihintay ng pasahero nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang isang lalaki. 

Nang makalapit ang suspect sa biktima ay biglang pinaputukan ng una ang huli ng tatlong beses saka mabilis na sumibat palayo patungong Edsa.

Agad namang rumisponde ang barangay tanod sa lugar at itinakbo ang biktima sa Quezon City General hospital, pero idineklara din itong dead on arrival.

Inaalam pa ang motibo sa nasabing pamamaslang sa biktima.

ANG AYON BANSALANGIN ST. BRGY INAALAM PASONG TAMO PINGKIAN ST. QUEZON CITY GENERAL SI JOMAR VINARAO VETERANS VILLAGE VIRGILIO MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with