2 ‘tulak’ tiklo sa P6-M halaga ng shabu

MANILA, Philippines – Arestado ng National Ca­pital Regional Police Office (NCRPO) ang dalawang ‘tulak’ ng droga  matapos makumpiskahan ang mga ito ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon sa isang buy-bust operation noong Linggo sa Pasig City.

Sa report na natanggap ni Chief Supt. Joel Pagdilao Jr., acting director ng NCRPO, kinilala ang mga suspek na sina Nhelmar Mendiola, alyas Honda at Glen Ramos, 29, kapwa walang trabaho at residente ng naturang lungsod.

Nabatid, na Linggo ng hapon nang madakip ng mga kagawad ng Regional Anti-Illegal Drugs (RAID-NCRPO) sa pamumuno ni Inspector Mi­­chael Yap ang mga suspek isinagawang buy-bust operation sa panulukan ng Ortigas Avenue Extension at Eulogio, Rodgriguez Avenue, Brgy. Rosario, Pasig City.

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit isang kilong shabu, na nagkakahalaga ng P6 million. Bukod dito, nakum­piska rin sa mga ito ang cal .38 na baril, at dalawang sasak­yang gamit nila sa operasyon.

Ang mga suspek ay kapwa sinampahan ng kasong pag­labag sa  Section 5 (Sale, Dispensation, Delivery) in relation to Sec 26 (Attempt or Conspiracy) and 11 (possession of dangerous drugs) of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) and RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act).

Show comments