2 holdaper tiklo

MANILA, Philippines – Nasakote ng mga awtoridad ang dalawang umano’y kilabot  na holdaper matapos mambiktima sa magkahiwalay na oras sa Caloocan City kamakalawa.

Kinilala ni Police Sr. Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police  ang mga  suspek na sina Melvin Sorbano, 28, ng Baltazar St., 5th Avenue, Barangay 49, at Ryan Amor “alyas Mata”, 18,  ng #252 PNR Compound Barangay 73, kapwa ng nasabing lungsod.

Nabatid na, dakong alas-4:00 ng madaling-araw, nagpapalit ng gulong ng kanyang sasakyan ang biktimang si Me-lecio Lining sa kahabaan ng C-3 Road ng nasabing lungsod nang lapitan ito  ni Sorbano at dalawa nitong kasamahan.  Tinutukan siya ng patalim sabay pahayag ng holdap.

Hindi na nakapalag ang biktima nang sapilitang kunin ng mga suspek ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng lisensyadong calibre .45 baril na kargado ng mga bala.

Bandang alas-7:00 naman ng gabi nang maaresto ng mga pulis sa pangunguna ni P/ Insp. Cecilio Tomas si Amor sa kahabaan ng Samson Road, Barangay 73 ng nasabing lungsod matapos nitong holdapin ang negosyanteng si Erlinda Roamar, 38-anyos na natangayan ng cellphone nito na nagkakahalaga ng P18.000.

Show comments