^

Metro

P50-M shabu nasabat: 4 timbog

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P50 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Police sa isinagawang operasyon sa lungsod kahapon ng umaga.

Kaugnay nito apat katao ang nadakip din sa isina­gawang operasyon.

Kinilala ni Quezon City Police District  director Senior­ Supt. Joel Pagdilao ang apat na nadakip na sina Kevin Ang Chua, 41,  tubong Fu Jiang China ;  Zhi Gui Wang, Filipino Chinese,  32, tubong Fu Jiang China;  Al-Insan Pangandag, 26,  tubong Marawi  at  Michelle Permali,  30, ng Brgy. Bu­ngad, Quezon City.

Ayon kay Inspector Maricar Taqueban, Public Information Office (PIO) nadakip ang mga suspek sa Alvero St., malapit sa kanto ng Katipunan St., Brgy. Loyola Heights, sa lungsod dakong alas-7:45 ng umaga.

Sinabi sa ulat na na­dakip ang mga suspek sa isang buy bust operation ng mga operatiba ng QCPD-District Anti Illegal Drugs sa pangunguna ni Chief Inspector Roberto Razon.

Napag-alaman na nagpanggap ang pulisya na bibili ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3 milyon sa mga suspect na kinagat naman ng mga ito.

Matapos iabot ang droga agad dinakip ng mga pulis ang mga suspek kung saan nasamsam pa sa mga ito ang walo pang supot  na may mga lamang tig-1 kilo ng shabu na nakalagay sa loob ng isang kulay itim na paper bag  sa loob ng  sasakyang  Ford Focus na kulay itim (AAO-7880).

Kabilang pa sa nakum­piska  ang isang Mazda 6 na kulay gray (SXM-908) at Toyota Altis na kulay silver (AAX-1689).

vuukle comment

AL-INSAN PANGANDAG

ALVERO ST.

BRGY

CHIEF INSPECTOR ROBERTO RAZON

FILIPINO CHINESE

FORD FOCUS

FU JIANG CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with