MMDA constable na kinaladkad ng SUV, iki-cremate ngayon

MANILA, Philippines – Iki-cremate na ngayong araw na ito ang na­sawing MMDA traffic constable na si Sonny Acosta na kinaladkad at nasagasaan ng sinitang driver ng SUV sa Cubao, Quezon City noong nakalipas na linggo. Nabatid sa misis ng biktima na si Rachelle, alas-10:00 ng umaga ang cremation nito sa Floresco Heritage Memorial Chapel, Malabon City kung saan ito nakaburol.

Si Acosta ay binawian ng buhay noong Martes dahil sa cardiac arrest habang ilang araw din itong nilapatan ng lunas sa St. Luke’s Medical Center matapos kaladkarin ng driver ng isang SUV na sinita nito dahil sa paglabag sa batas-trapiko noong Disyembre 19 sa Cubao, Quezon City.

Nabatid na ipinasok umano ng biktima sa bintana ng kotse ang kanyang kamay para kunin ang lisensiya ng sinitang driver pero isinara umano ng tsuper ang bintana saka pinatakbo ang sasakyan dahilan para makaladkad ang naturang MMDA traffic enforcer.??

Show comments