Akusado sa rape, arestado

MANILA, Philippines - Kalabos ang 40-anyos na mister matapos itong ares­tuhin ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa kasong panggagahasa at pangmomolestiya kamakalawa sa Las Piñas City.

Kinilala ni P/Senior Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City PNP ang akusadong si Rogelio Entegra ng Block 3 Lot 23 Pomelo St., Golden Acres Subdivision sa naturang lungsod.

Base sa report, bandang alas-2 ng hapon nang ma­dakip si Entegra mismo sa tini­tirhan nito sa nasabing lugar matapos isilbi ang warrant  of arrest na inisyu ni Judge Philip Aguinaldo ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 207 dahil sa kasong rape at acts of lasciviousness na kinakaharap nito.

Show comments