HR manager patay sa QC ambush
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang Human Resources manager makaraang pagbabarilin ng isa sa apat na armadong lalaki sa Panay St., lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing biktima na si Menchu Go­chingco, 42, HR manager ng Monolith Construction .

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, imbestigador sa kaso, apat ang itinuturing na suspek sa krimen, subalit tanging isa lamang umano sa mga ito ang siyang bumaril sa biktima, at nagsilbing back up ang ibang kasamahan nito.

Nangyari ang insidente sa harap ng isang bahay sa Panay Avenue, Brgy. Palig­sahan, alas- 6:10 ng gabi.

Sakay umano ang biktima ng kanyang kulay itim na Toyota Vios (PQW-120) papauwi sa kanilang bahay at  dahan-dahan ang takbo dahil sa trapik sa lugar  nang biglang lumapit ang isang lalaki at pinagbabaril ito sa ulo ng ilang beses.

Matapos ang pamamaril ay agad na sumakay ang gunman sa isang kasamahang nasa motorsiklo habang ang isang motorsiklo naman ay nagsilbing back up saka nagsipagtakas.

Sinasabing, bago tuluyang umalis, siniguro pa ng isa sa mga kasamahan ng suspek ang kalagayan ng biktima.

Sa pagresponde ng mga barangay tanod sa lugar ay agad na itinakbo nila ang biktima sa Capitol Medical Center, subalit idineklara rin itong patay dahil sa mga tama ng bala sa kanyang katawan, ganap na alas-7:15 ng gabi.

Base sa pahayag ng ka­anak ng biktima, maaring may kinalaman sa trabaho nito ang motibo  sa pamamaslang  dahil ito ang huma­hawak   ng mga labor cases ng kompanya.

Samantala, nagpalabas na nang carthographic sketch ang QCPD sa dalawang suspek sa pananambang sa biktima, isa sa mga ito ay nasa edad na 40, may taas na 5’6’’-5’7’’, katamtaman ang katawan; moreno at naka clean cut na parang pulis ang buhok; habang ang isa naman ay may edad 30 pataas, may taas na 5’5’’-5’6’’, may katabaan ang katawan, ka­yumanggi ang balat, at kulot ang buhok.

BIKTIMA CAPITOL MEDICAL CENTER HUMAN RESOURCES MENCHU GO MONOLITH CONSTRUCTION PANAY AVENUE PANAY ST. RHIC ROLDAN PITTONG TOYOTA VIOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with