_ngayon
^

Metro

Napagkamalang magnanakaw,binata dedo sa sekyu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na binata ang nasawi makaraang barilin ng isang security guard matapos mapagkamalan na magnanakaw sa lungsod Quezon kahapon.

Si Jomar Bernardo ng Tomas Morato Avenue ay nagawa pang maitakbo sa ospital pero binawian din ng buhay, ayon kay SPO1 Julius Rempillo.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si Jayson Aca-Ac, 26, at residente sa Brgy. Pansol sa lungsod.

Naganap ang insidente sa may kahabaan ng Scout Rallos corner Tomas Morato Avenue, Brgy. Sacred Heart, ganap na alas-4 ng madaling-araw.

Sabi ni Rempillo, bago ang insidente, ang biktima kasama sina Jimwell Aler at John Rey Gumanon ay sakay ng isang kulay itim na Suzuki shogun na motorsiklo (ZL-8754) na may side car at nag-iikot sa mga establisimento sa lugar para mamili ng mga gamit na cooking oil na gagamitin para sa pagkain sa poultry. Habang nag-iikot, napadaan ang tatlo sa may Rubs Rib Bbq na matatagpuan sa Scout Rallos at nakita nila ang dalawang lata ng mantika sa tabi nito.

Sinasabing ang isa sa mga lata ay wala ng laman habang ang isa ay halos kalahati ang lamang mantika. Kaya naman sa pag-aakala umano ng tatlo na ang mga lata ay basura, kinuha nila ang mga ito at isinakay sa kanilang side car saka pinaandar ito ni Bernardo paalis.

Ilang sandali, lumabas umano sa establisimento ang suspek saka pinaputukan ang sasakyan ng tatlo at tinamaan sa likod si Bernardo. Agad na itinakbo ng kanyang mga kasamahan ang biktima sa East Avenue Medical Center kung saan siya nasawi.

Sa follow-up operation ng awtoridad ay kinilala ng dalawang testigo ang sekyu dahilan para ito arestuhin at dalhin sa himpilan ng pulisya. Narekober din sa suspek ang isang kalibre 38 baril na may limang bala. Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa security guard.

BERNARDO BRGY EAST AVENUE MEDICAL CENTER JAYSON ACA-AC JIMWELL ALER JOHN REY GUMANON JULIUS REMPILLO RUBS RIB BBQ SCOUT RALLOS TOMAS MORATO AVENUE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with