^

Metro

'Gunman' inilaglag ang misis ni Enzo Pastor

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lalong tumitibay ang suspetsa ng mga awtoridad na may kinalaman ang misis ng pinaslang na race car driver na si Enzo Pastor dahil sa mga salaysay ng umano'y gunman.

Sinabi ni Chief Inspector Rodel Marcelo, pinuno ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, na inamin ng gunman na si Police Officer 2 Edgar Angel na alam ng misis ni Pastor na si Dalia ang planong pagpatay sa asawa.

"Nagkaroon ng isang pagkakataon na noong nag-usap si Sandy at si Egay (Angel) sa loob ng sasakyan ay kasama itong si Dalia at nagkaroon ng pagkakataon din si Egay na makaharap itong si Dalia habang pinag-uusapan 'yung plano ng pagpatay," wika ni Marcelo sa kanyang panayam sa dzMM ngayong Biyernes.

Kaugnay na balita: Ama ni Enzo Pastor nagulat na suspek ang manugang

Tinututukan ng mga awtoridad ang anggulong may “love triangle” sa kaso, kung saan hinala nila ay may relasyon si Dalia sa umano'y mastermind na si Domingo de Guzman.

Nasakote nitong Martes sina Angel at De Guzman, habang nagtatago pa rin si Dalia na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.

Nauna nang sinabi ni Angel na binayaran siya ng P100,000 ni De Guzman upang itumba ang race car driver.

Kaugnay na balita: Misis ni Enzo Pastor kinasuhan na

Sinabi pa ng umano'y gunman na nais iligtas ni De Guzman si Dalia mula sa pambubugbog ng asawa.

"Kasama sa salaysay ni Egay na allegedly may ipinakitang litrato sa kanya itong si Sandy na litrato ni Dalia na may mga pasa sa katawan at diumano binubugbog nitong asawa niya na si Enzo," banggit ni Marcelo.
 

vuukle comment

CHIEF INSPECTOR RODEL MARCELO

DALIA

DE GUZMAN

EDGAR ANGEL

EGAY

ENZO PASTOR

KAUGNAY

MARCELO

POLICE OFFICER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with