Binata nanghuli ng bangus sa Pasig River, nalunod

MANILA, Philippines - Bangkay na nang matagpuan ang isang 22-anyos na binata  na kasama ang mga kapitbahay ay lumusong sa Pasig River para  manghuli ng mga nakawalang bangus  sa bahagi ng Mandaluyong City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Jomar Semilla, residente ng Motorpool, Welfareville, Mandaluyong City.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:00 ng hapon  noong Huwebes nang huling makitang buhay ang biktima. Isa umano siya sa nagtungo  sa Ilog Pasig upang manghuli ng mga nakaalpas na bangus. Mabilis na agos umano ang tumangay sa grupo ng biktima at hindi na siya nakita.

Kahapon ng alas-7:30 ng umaga nang mamataan ang bangkay niya na lumulutang na sa bahagi ng Intramuros, Maynila. Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Rich Funeral Homes  para sa awtopsiya at safekeeping.

 

Show comments