Sulutan sa negosyo, trader tinodas

MANILA, Philippines -Tinodas habang nagsusugal ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng isang lalaki na nasulot umano nito sa pag-angkat ng mga kalakal sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Agad na nasawi dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang nakilalang si Dave Kahuyong, 33, ng Sangandaan, Caloocan City.

Matagumpay na nakatakas naman ang suspek na kinilalang  si Salvador Pardi, ng Brgy. Tugatog, ng naturang lungsod.

 Sa ulat ng pulisya, nagto- tong-its dakong alas-3:40 ng hapon ang biktima sa may Dr. Lascano Str. sa Brgy. Tugatog nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin ang una.

Nabatid na malaki ang galit ng suspek sa biktima nang masulot umano nito ang isang malaking kontrata para sa kalakal.

 

Show comments