Binata itinumba sa Malabon

Itinumba ng dalawang hindi nakikilalang suspect kabilang ang isang tomboy ang biktimang si Jose Mesina kamakalawa sa Malabon City. (Kuha ni Bernardo Batuigas)

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata matapos itong barilin ng isang lalaki at isang tomboy sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa mukha, sikmura at hita ang biktimang si Jose Mesina, 39,  ng C-4 Road, Brgy.  Lo­ngos ng naturang lungsod.

Inilarawan naman ang suspek na lalaki na may taas na 4’11’’, nakasuot ng puting sweat shirt, asul na pants, bull cap at maitim habang ang kasama nitong tomboy ay tinatayang nasa 4’8’’ ang taas at may katabaan.

Sa pagsisiyasat ng Ma­labon City Police, naganap ang insidente alas-12:15 ng madaling-araw sa Borromeo St., Brgy. Longos ng naturang siyudad habang naglalakad ang biktima  nang salubungin ito ng mga suspek at pagbabarilin na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril  ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek at inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng mga ito  sa pagpatay sa biktima.

 

Show comments