2 sugatan sa Mandaluyong ambush

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang sugatan matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa lungsod ng Mandaluyong ngayong Miyerkules.

Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang hindi pa nakikilalang mga biktima na sakay ng itim na Toyota Vios na may plaka ng Philippine National Police Academy.

Pinagbabaril ang mga biktima sa kanto ng kalye ng Taluntong at Barangka Drive sa Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Lulan ng motorsiklo ang mga suspek na kaaagad tumakas matapos atakihin ang mga biktima.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Show comments