Bebot pinasabog ang mukha

MANILA, Philippines - Butas ang mukha ng isang dalaga na agad na ikinamatay nito, matapos na barilin ng hindi nakikilalang salarin sa isang barangay sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili ng  Quezon City Police District-Criminal Investigation  and Detection Unit, si Jennifer Villarin, 34, dalaga ng Block 28, Area 3, Manga St., Brgy. Capri, Novaliches ay nagtamo ng isang tama ng bala sa mukha na naglagos sa may likuran ng ulo nito.

Batay sa imbestigas­yon, ang biktima umano ay isang bugaw at sangkot din sa pagbebenta ng iligal na droga, bagay na kanila ngayong iniimbestigahan na maaring ugat ng pamamaslang sa kanya.

Nangyari ang in­sidente sa may Geronimo St., Brgy. Sta Monica, Novaliches, ganap na alas-7:30 ng umaga.

Patuloy ang imbes­ti­gasyon ng otoridad sa nasabing insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

 

 

Show comments