35 anyos dedo sa tandem

MANILA, Philippines - Patay ang isang 35-anyos na lalaki nang barilin sa mukha ng riding in tandem sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Bernard Nabua, may asawa, residente ng #2624-N Dagupan Ex­tension, Tondo.

Isa umanong motorcycle rider ang gunman na mabilis ding tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ni PO2 Michael Maraggun ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang umalingawngaw umano ang isang putok at nagulat na lamang ang mga tambay sa harapan ng Emillio Jacinto Elementary School sa Capulong St,  sa Tondo nang makitang bumulagta ang biktima.

Naglalakad habang may kausap sa cellphone ang biktima nang biglang sumulpot ang gunman at malapitang binaril sa mukha ang biktima.

Patuloy pang nangangalap ng impormasyon hinggil sa pagkilanlan ng suspek at motibo sa krimen.

 

Show comments