Sekyu patay sa kapwa sekyu

MANILA, Philippines - Patay ang isang assistant OIC ng mga guwardya matapos itong barilin ng isa ring guwardya sa hindi malamang dahilan kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Dead on the spot ang biktimang si Rolando Abad, ng Block 26, Lot 3, Ulingan West, Barangay Lawang Bato, Valenzuela City matapos na magtamo ng tama sa ulo at likod ng kalibre .38 baril habang  nakakulong naman ang suspect na si Teodoro Castillo, 38, isa ring guwardya.

Sa imbestigasyon ni SP02 Jayson David, ng Station Investigation Division (SID), Makati City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa harapan ng PRYCE Center, Bagtikan St., Bgy. San Antonio Village ng naturang lungsod.

Sinabi lamang ng biktima na isa rin siyang guwardya sa suspect na ikinainis ng huli at walang sabi-sabing binaril nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Inaalam pa rin ng awtoridad ang motibo ng suspect sa pagpatay nito sa biktima.

Show comments