_ngayon
^

Metro

P.2-M natangay sa bahay ng PNP employee

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P200,000 halaga ng cash, electronic gadgets at mamahaling botelya ng pabango nang isang kawani ng Philippine National Police (PNP) matapos na pasukin ng magnanakaw ang kanyang bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ito ang nabatid makaraang dumulog sa himpilan ng Quezon City Police District ang biktimang si Chona Villa­luna, 53, kawani ng PNP Finance Service ng Camp Crame at inireport ang pagnanakaw sa kanyang bahay nitong Sabado kung saan nawala ang kanyang pera at mga gamit.

Base sa ulat ng Anonas police station, ang pagna­nakaw ay nangyari sa pagitan ng alas-2 ng hapon hang­gang alas-5 ng hapon sa bahay ng biktima sa K-8th Street  sa Barangay Kamias.

Ayon sa ulat ni PO3 Rudy Peralta, may-hawak ng kaso, nang mangyari ang insidente si Villaluna ay nasa kanyang trabaho at iniwan nito ang kanyang bahay sa pangangalaga ng kapatid na si Florence at pamangkin na umalis naman ng bahay pero ikinandado ito pero walang nagbabanta ganap na alas-2 ng hapon.

Nang bumalik si Villaluna at pamilya nito sa kanilang bahay ganap na alas-5 ng hapon ay nadikusbre nilang nakabukas na ang cabinet at nawawala na ang nasabing mga gamit at pera.

Sabi ni Peralta, natangay umano kay Villaluna ang mamahaling pabango na kasama ang cash na nagkakahalaga ng P65,000, ang P55,000 nito ay nakalagay sa briefcase; US$500 (P20,000); dalawang laptop compu­ters; apat na tablet PCs; dalawang i-pods; tatlong MP3 players; at assorted jewelry.

Naobserbahan naman ng imbestigador na walang sen­yales na puwersahang pagpasok sa pintuan at ma­aring gumamit ang magnanakaw ng picklock o duplicate key para makapasok. Maaring alam din ng suspect ang pasikut sikot sa nasabing bahay.

BAHAY BARANGAY KAMIAS CAMP CRAME CHONA VILLA FINANCE SERVICE PHILIPPINE NATIONAL POLICE QUEZON CITY POLICE DISTRICT RUDY PERALTA VILLALUNA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with