Binata pumalag sa holdap, tinarakan
MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisÂyon ngayon ang isang biÂnata makaraang pumalag sa dalawang lalaking nangholdap sa kanya kamaÂkalaÂwa ng gabi sa Caloocan City.
Ginagamot ngayon sa East Avenue Medical CenÂter ang biktimang si Conrado Benido, 28, vendor, ng Phase 10 B, Package 5, Block 30, Lot 9, Brgy. 176, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong ilang saksak sa katawan.
Naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi sa kahabaan ng Main Road, Phase 10, Brgy. 176, Bagong Silang habang naglaÂlakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang dalawang holdaper at tinutukan ito ng patalim saka nagÂdeklara ng holdap.
Dahil dito ay pumalag ang biktima kung kaya’t sinaksak ito ng mga suspect at saka kinuha ang pera ng una at pagkatapos ay nagsitakas.
Ang biktima naman ay isinugod sa nabanggit na pagamutan ng ilang taong nagmamalasakit.
- Latest