^

Kutob

Pebrero 10, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Bigyang laya ang sarili sa pag-ibig. May magandang kapalaran na naghihintay sa larangan ng pag-ibig. Maaa-ring dumating na ang matagal ng hinihintay o inaasahan. Magiging masigla at magkakaroon ng buhay ang lahat ng bagay sa paligid. Lucky numbers at color for the day ang 14, 28, 31, 40 at garnet red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang matagal ng hinihintay ay malamang matanggap o dumating. Huwag mawalan ng pag-asa dahil kung kikilos, tiyak may mangyayari. Kung may lalakarin sa umaga dapat isagawa at tiyak positibo ang magiging resulta. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 34 at jade green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Maipapakita ang magandang ugali sa kabila ng hindi magandang ipinapakita ng kapitbahay o kasamahan. May araw rin na maliliwanagan siya sa tunay mong pagkatao. Maaaring ikaw ay maging isang magandang halimbawa para sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 15, 28 at purple.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging suliran ang pag-ibig. Malamang mag-break ang magkasintahan o magkaroon ng hindi pagkakaunawaan na hahantong sa hiwalayan. Kung selos ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan, unawa at tiwala ang kailangan dahil mali ang iyong inaakala. Lucky numbers at color for the day ang 14, 28, 31, 40 at scarlet red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Makakatulong ka sa isang kamag-anak na may karamdaman o pangangailangan. Magiging angkop ang araw sa pagdalangin at pagdalaw sa kamag-anak. Mapapawi ang tampuhan na namamagitan sa iyong minamahal at magbibigay ito ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 18, 26 at royal blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) May taong lalapit upang hi­ngin ang iyong opinyon tungkol sa pag-unlad ng negosyo, personal o sa ibang bagay. Maaaring matulungan mo siya o sila, ngunit kailangan ang masusing pag-aaral sa kanilang suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 24, 39 at indigo.   

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Magiging kasundo ang isang bagong kakilala at malamang hahantong sa pagi-ging mabuting magkaibigan. Ang buong maghapon ay magiging masaya, ngunit dapat iwasan ang marangyang paggastos. Simulan ang pagtitipid. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 39 at pearl pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magiging mapaghamon ang araw subalit huwag mabahala dahil mananaig ang kapa-kanan. Malalagpasan ang mapaghamong pangyayari sa tulong ng iyong talino at angking kakayahan. Relax at huwag mag-panic. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 12, 30 at avocado green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magiging madaling gampa­nan ang mga gawain. Makakatulong at maipapa­kita sa mga kasamahan ang ganap na kooperasyon sa mga gawain. Subalit mag-ingat sa mga taong hindi mapagkakatiwalaan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 41, 11, 36 at pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung may binabalak na lakad, mag-ingat sa bawat hakbang lalo na sa mga hindi pantay na lugar dahil may kahinaan ang bandang ibaba ng katawan. Maaaring madisgras­ya ka. Huwag kalimutan ang manalangin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 25, 27, 45 at mint green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Unahin ang gawain na i-naakalang madaling matatapos. Maaaring mapag-usapan upang magkaliwanagan ang mga bagay-bagay na hindi naiintindihan. Maiiwasan ang gulo kung idadaan sa mahinahon at lamig ng ulo ang pag-uusap. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 19, 24 at lavender.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May hatid na kasiyahan sa mga magkaibigan na matagal ng hindi nagkikita. Magiging masaya ang isang kaibigan sa iyong pagdalaw kung bibigyan ng panahon. May panahon na makadalo sa isang pagtitipon sa dakong hapon o gabi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 33, 40 at peach.

vuukle comment

HOROSCOPE

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with