^

Kutob

HOROSCOPE (Oktubre 29, 2019)

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Paglabanan ang kapusukan upang hindi ma-pahamak. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nakikita sa materyal na bagay o sa salita kundi sa gawa. Malamang may magandang impormasyong matatanggap na matagal nang gustong malaman. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 28, 42 at violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) May magandang balita na matatanggap. Matatapos ng maayos at walang balakid ang nasimulang mga gawain. Kung may katatagpuin, ipagpaliban dahil tiyak hindi kayo magkikita. Iwasan ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 17, 45 at jade green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May taong sasalungat sa’yo. Ang mabilis na pagkilos at lakas ng kamalayan ang magliligtas sa sarili. Malulutas ang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan at bumabagabag sa damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 32, 42 at yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kumilos kaagad kung ano ang magandang iniisip, sapagkat ang panahon ay ginto. May ilang bagay na dapat isaayos, mangangailangan ito ng pera. Naaayon ang araw para sa paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 11, 22, 31, 42 at garnet red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mag-ingat sa pagkain lalo na ‘yung mahirap tunawin. Alagaan ang kalusugan para maiwasan na magkaproblema. Iwasan ang magalit na siyang ikakataas ng presyon. Malalapitan ang mga kaibigan kung may kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 38 at honey yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Dagdag sipag sa pag-aaral ang dapat gawin upang lalong mapaangat ang kalagayan ng propesyon. Isang bagong pag-ibig ang nasa landas na sisibol, suriing mabuti para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 4, 29 at cherry red.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang kaguluhan sa paligid ay maaaring maging madilim na ulap sa gustong gawin. Ang marunong magpahalaga sa trabaho ay maganda ang ibubunga at ngayon ito mapapatunayan. Igalang ang opinyon at paniniwala ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 23, 40 at lemon green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Malaki ang pagkakataon para maiangat ang hirap na kalagayan sa negosyo o trabaho. Tiyaga at sipag ang magiging susi ng tagum-pay. Suriing mabuti ang alok bago pumalaot. Iwasan ang magpadalus-dalos ng pasya. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 26, 36 at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mag-ingat sa mga taong mandaraya o mandurugas dahil magiging malapit ang mga ito sa’yo ngayon. Iwasan na mag-init kaagad ang ulo. Panatilihin ang hinahon. May posibilidad na mahirapan na matupad ang pangako. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 23, 34 at crimson.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Iwasan ang masakit na biruan na maaaring makasugat ng damdamin ng hindi sinasadya. May pagkakataon na magawa ang isang bagay na kapaki-pakinabang sa pamilya at sarili. Isang lihim ang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 25, 28 at fuchsia.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Pakinggang mabuti ang kutob para hindi magkamali sa gagawin. Makiisa sa layunin at gawain ng mga kasamahan. Ang matagal nang hinahangad ay matutupad ng walang hadlang. Mag-ingat sa mandurugas. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 24, 40 at mint green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ang balak na magtrabaho sa ibang bansa ay maisusulong ngayon. Inaayunan ng pagkakataon na maisulong ang magandang hinaharap. Mag-ingat at posibleng mawalan ng mahalagang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 21, 41 at tangerine.

 

 

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with