^

Kutob

Oktubre 7, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Mamuhay nang may katapatan para maparangalan ang tapat mong Manlilikha.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magiging abala sa pinapasukan o sa tahanan. Paandarin ang utak at hindi ang emosyon. Maging tapat sa pakikitungo sa ibang tao o sa mga magulang. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 24, 40 at aquamarine.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung ano ang lalakarin ngayon, ipagpaliban muna dahil walang mangyayari. Magiging normal ang takbo ng mga gawain gayundin sa larangan ng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 15, 26 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maaaring may pagkakataon na mamagitan ka sa dalawang kasamahan na nag-aaway. Ang iyong payo ay magiging epektibo at mahalaga sa suliranin ng kaibigan o kamag-anak.  Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 17, 42 at gold yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – May pagkakataon na mailagay ang pagsisikap sa tahanan o pinapasukang trabaho. Isang hindi inaasahang pangyayari ang makakapagpabago sa binabalak na gawain o desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 18, 29 at tangerine.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Makakabuti ang pagdalaw sa kaibigan o kamag-anak. Kung may madaliang gawain, makakabuti ang mag-relax muna sandali bago balikan upang maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 25, 27 at ruby red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang labis na pagpupuyat ay siyang pipinsala sa kalusugan, kaya dapat iwasan. Suriin at pag-aralang mabuti ang transaksyon bago pumalaot nang maiwasan ang pagsisisi.  Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 10, 21 at violet.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad, patunayan ang kakayahan. Magiging sentro ka ng usap-usapan ng mga kaibigan o kasamahan na dapat huwag ikapikon.  Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 27, 39 at lavender.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Mag-ingat sa pagpapahayag ng kinikimkim na damdamin upang walang maghinanakit o masaktan. Maging mapagpakumbaba sa pagharap sa kausap. Maisasaayos ang dating hindi pagkakaunawaan sa tahanan. Kaila­ngang sundin ang payo ng doktor. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 19 at baby pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Malaking pakikibagay ang kakailanganin sa mga taong makitid ang isip na malamang makasagupa ngayon. Anumang personal na problema ay huwag dalhin sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 25, 30 at blue.

CANCER (Hunyo 2- Hulyo 22) – May pagkakataon na maging mapaghanap ka sa minamahal. Mahalaga ang panahon sa negosyo o sa gawain kaya huwag sayangin. Maganda ang layunin ng kaibigan ngunit wala sa tamang panahon upang mapaunlakan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 31, 40 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Maaaring may magandang balita na matatanggap. Mabibigyan ng kasiyahan ang mga magulang o minamahal dahil nasa mood nang pagbibiro o pagpapatawa. May pagkakataon na makapagbigay ng magandang payo tungkol sa pag-ibig sa isang kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 22, 25 at cadet blue.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Mahalaga ang makatiyak at pag-aralan ang gagawin para maging positibo ang resulta. Matatapos ang mga gawaing nakaatang kung iiwasan ang tsismisan.  Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 33, 34 at magenta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with