^

Kutob

Abril 4, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Gaano man katindi ang init, sisikapin kong manaig ang malamig na ulo at paiiralin ang pagkamahinahon sa buong maghapon, gaano man ka-pasaway ang nasa paligid ko.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Sa mga nag-a-apply ng trabaho lalo na patungong abroad, good news dahil inaayunan ng panahon ang inyong tagumpay kung lalakarin ito sa umaga. Kung anuman ang pakay sa dapit-hapon, huwag nang ituloy dahil mag-aaksaya lamang ng panahon at walang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 21, 36 at yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magandang balita dahil may kalutasan ang matagal nang gumugulo sa isipan at bumabagabag sa damdamin. Ang malakas na kamalayang taglay at mabilis na pagkilos ay siyang magliligtas sa mga taong sasalungat sa iyo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 28, 3 at avocado green.

GEMINI  (Mayo 21 - Hunyo 21) – Sa gawa at wala sa sa­lita makikita ang tunay na pag-ibig. Kung ikaw ay may suitor na magbibigay ngayon ng bulaklak o chocolate, huwag nang pakawalan dahil magiging matamis  at maligaya ang inyong relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 27, 35 at blue.  

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – May matutuklasan kang lihim. Kung ito ay ikatutuwa o ikalulungkot, pa­nahon lamang ang makakapagsabi. Ang dapat iwasan ay masakit na biro. Magpasalamat ka dahil lumalandas sa iyo ang tamang daan ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 25, 33 at fushia.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung may binabalak, ituloy at huwag mag-alinlangan kung ito ay mabuti. Subalit kung masama, huwag gawin dahil mahuhuli o madidiskubre. Upang maiwasan ang hindi magandang pang­yayari, huwag paunlakan ang anumang paanyaya ng kaibigan o barkada. Lucky numbers at color for the day ay pearl pink.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Sa tiyaga at sipag, tagumpay ang tatamasain. Subalit sa mga tamad at easy go lucky, kahirapan pa rin ang daranasin. Kung ibig umangat sa kahirapan, ngayon ang panahon para mag-doble sipag at tiyaga. Kung may planong gawain para sa kaunlaran, ngayon dapat simulan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 36 ay oak brown.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maliksi ang katawan, maganda ang mood at pag-iisip. Walang magiging sagabal at tiyak matatapos ang mga gawain. Subalit sa tahanan, susubukin ang iyong pasensiya sa dapit-hapon o gabi. Pairalin ang pagkamahinahon nang walang gulong mangyari. Lucky numbers at color for the daya y 4, 7, 16, 32 at mint green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ano man ang kailangan sa sarili, maganda ang balita dahil ma­daling mapapaunlak ng kamag-anak o kaibigan. Big­yan ng wastong pangangalaga ang kalusugan dahil madali kang kapitan ngayon ng sipon, ubo o trangkaso. Iwasan ang maambunan. Lucky numbers at color for the day ay metallic gray.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Sad to say, ano man ang iyong kailangan ngayon, lalo na kung pera ay mahihirapan kang matugunan. Subalit huwag mawalan ng pag-asa dahil kahit papaano ay mairaraos mo rin kung pagsisikapan. Simulan ang mag-save para may magamit sa oras na kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 42 ay garnet red.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ngayon ka magdiwang dahil matatanggap mo ang gantimpala sa pagpapahalaga sa iyong tungkulin o sa pagsunod sa mga payo ng iyong mga magulang o guro. Kung nag-aaral, sa mga nagsikap gantimpala ang mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 38 ay lemon green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung ang ha­ngad ay mataas na grado, ngayon dapat simulan ang pagsisikap sa pag-aral. Walang mapapala kung barkada ang laging aatupagin. Sa edukasyon at pinag-aralan lamang ang batayan ng iyong magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 23, 33 ay pink.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Bad day ngayon sa iyo dahil magiging lapitin ng mga taong mapagsamantala. Subalit ito ay maiiwasan kung magiging alerto at hindi basta magdedesisyon nang walang masusing pag-aral. Huwag basta na lamang maniwala kahit kanino ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 29, 36, 37 at sun yellow.

vuukle comment

KUOTB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with