^

Dr. Love

Na-late sa date

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Terens. Simula nang ma-late ako sa date namin ng nililigawan ko, lagi niya akong pinaghihintay. Alam ko naman na palpak ako kasi nagkasabay ang paghatid ko sa ate ko sa work niya.

Sinabihan ko siyang mag-date kami ng 3pm, magkita kako kami sa simbahan ng Baclaran. Kaso bigla namang nakisuyo si ate na ihatid ko siya sa duty niya. Nurse ang ate ko kaya inuna ko na siyang ihatid sa ospital sa Chinese Gen., bago ako dumiretso sa Bac-laran. Sobrag trapik sa Quirino kaya halos isang oras akong late. Nagmi-miss call siya pero ‘di ko masagot dahil sa pagmamadali ko. Feeling ko turn off na siya sa akin.

Syempre, nagalit siya sa akin. Wala akong magawa kundi ang magpakumbaba. Hindi pa kami, palpak na ako. Bumabawi naman ako kaso hindi na ganoon kadali. Kapag nag-aaya ako, laging bungad niya na baka ma-late na naman ako. Naging trade mark ko nasa kanya ‘yon.

Ok pa naman ako sa kanya, pero siya na ang nala-late kapag inaaya ko siya.

Terens

 

Dear Terens,

Kung minsan totoo sa ibang girls ang first impression last. Pero gawin mo ang lahat para mabura ang late image mo. Kailangan gumawa ka ng extra effort bukod sa pagiging maaga mo.

Kung na-turn off siya sa iyo, hindi na uli sasama ‘yun sa iyo. Kapag sumasama pa eh positive! Pwede mo pang ituloy ang panliligaw mo. Malamang naintindihan ka niya dahil ok lang naman ang dahilan mo. Hindi mo naman inaasahan na may magiging aberya ang date ninyo. Ate mo naman ang hinatid mo. So, don’t worry kung na-late ka. Kailangan mo lang ang tamang communication. Malamang kaya niya inuulit sa iyo ‘yun para lagi mong maalala.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with