^

Dr. Love

Sigurista ang misis

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Diegz. Itong misis ko laging mino-monitor ang fb ko. Pati nga ang messenger ko. Kapag may nakita siyang nagpa-picture ako sa isang babae, nagtatanong agad kung sino ‘yun.

Samantalang mga clients ko ‘yun. Syempre sa sales ako ng mga kitchen utensils kaya mga babae ang mostly customers namin.

Kung meron man magparamdam sa akin, alam ko na ‘yun. Pamilyado na ako, sa kanila pa nga lang hindi na kasya ang sahod ko, kukuha pa ba ako ng idaragdag ko sa mga gastusin?

Minsan naiinis ako dahil kahit wala namang kwenta, tanong siya nang tanong kung sino ‘yung kasama ko sa picture.

Diegz

Dear Diegz,

Lagi mo kasing lalambingin ang misis mo. Iparamdam mo sa kanya na mahal na mahal mo siya. Para hindi na siya nag-aalala namay kahati siya sa atensyon mo.

Kapag nararamdaman mong may pagdududa na siya, palagi mo lang siyang susuyuin at pakikinggan.

Syempre, ituloy mo pa rin ang pagdistansiya sa mga babae. Mahirap na kung bigla ka matisob.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with