^

Dr. Love

Sampung taon nang nawawala ang asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sampung taon na ang lumipas nang madestino sa Mindanao ang mister ko para sa isang proyekto. Mining engineer ang asawa ko at ambisyoso. Sabi niya, kapag nagtagumpay ang misyon niya ay hindi na siya lalayo at magiging napakayaman namin.

Sa unang taon ay maayos naman ang komunikasyon namin. Katunayan, umuuwi siya kada tatlong buwan. Pero nang pangalawang taon ay naputol ang komunikasyon namin. Nabalisa ako at nangamba sa maaaring kinasapitan niya. Noong una ay hindi ko malaman kung kanino ako lalapit. Nanawagan na ako sa dyaryo, radyo at telebisyon. Pati ang mga kaanak niya ay labis na nabahala sa kanya.

Nang makipag-communicate ako sa opisina niya, nagtataka rin daw sila kung bakit siya ay missing in action. Hiningi na rin nila ang tulong ng pulis at militar pero hindi siya ma-hanap. Umabot pa ng dalawa, tatlo at ngayon nga’y sampung taon nang hindi namin alam kung siya ay buhay pa o patay na.

Nag-give up na rin kami sa kanya kahit mahal na mahal ko siya at ipinalagay na wala na siya. Bagong kasal lang kami nang lumayo siya at wala pa kaming anak.  Ang problema ko ngayon, maraming nanliligaw sa akin. Pero hindi ako makapag-commit kahit kanino dahil baka sa dakong huli ay bigla siyang lumantad.

Ano ang dapat kong gawin?

Leila

Dear Leila,

Sa pagkakaalam ko,  kahit pitong taon lang na nawala ang isang asawa at tuluyang naputol ang komunikasyon,  may kalayaan na ang iniwanang partner para mag-asawa muli. Pero iyan ay dumaraan sa isang legal na proseso.

Kung sa bagay, maraming ganyang kaso na sa dakong huli ay lumalantad ang kabiyak na nawala pero huli na ang lahat dahil may iba ng ka-partner si mister o si misis.

Lahat nang nasa ganyang situwasyon ay nahaharap sa ganyang komplikadong posibilidad.

Hindi ako maalam sa batas kaya ang mabuting gawin mo ay sumangguni sa isang abogado.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with