^

Dr. Love

Napipikon noon sa naging misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung babalikan ko ang mga unang ugnayan namin ni misis, napapangiti na lang ako. Dahil napipikon ako noon sa kanya. Pareho kaming artist at kasama siya sa nag-workshop sa amin.

Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit naiirita ako sa tuwing nagtatanong siya, samantala puro related naman sa art ang mga ‘yun. 

Tuloy nagmarka na siya sa isip ko.

Katulad ko ay mahilig siya sumali sa mga contest. One time nanalo siya. 

Nakangiti niyang sinabi na tinalo niya ang kanyang mentor. Kahit alam ko naman na nagbibiro  lang ang kantiyaw niya, nairita na naman ako. 

Three days lang ang workshop, pero after noon ay naging regular ang aming communication. 

Hanggang sa lumalabas na kami at nagi-ging mas personal ang mga bagay na napag-uusapan namin.

 In-short, mas nakilala ko siya at naging intresado ako sa kanya. 

Parang nanadya naman ang pagkakataon dahil nagkalayo kami. Kailangan niya kasing umuwi ng probinsiya para alagaan ang kanyang lola. 

Doon ko na-realized na noon pa ay type ko na siya. Ang pagkapikon ko at pagkairita ay dahil nagpapansin na ako sa kanya. 

Kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon at sinundan ko siya sa Pangasinan, doon na ako nagtapat sa kanya tungkol sa feelings ko.

Akala ko noong una, accomplished na. 

Pero tumagal pa ng limang taon bago niya sinagot ang panliligaw ko sa kanya. Ang maganda, sa simbahan ang ending namin.

Misis ko na siya ngayon at magtatatlo na ang aming mga anak. 

Masaya ako dahil kahit pa may mas malaking responsibilidad na kami bilang magulang ay nae-enjoy pa rin namin ang aming pagka-artist. 

Pareho kaming nagpe-paint at kumikita roon bilang sideline.

Magkasama na-ming pinagsisikapan ang katuparan ng mga plano namin para sa aming mga anak.

Maraming salamat po sa pagkakataon na maibahagi ko ang love story namin ni misis.

Alen

Dear Alen, 

Nakaka-good vibes ang kwento ng love life mo with your wife. 

Ang akala ko ang pagkainis o pagkapikon sa unang pagkakataon ay nangyayari lang sa mga babae na may nakila-lang lalaki. 

Hindi pala. At tama ka, madalas ang ganyang senaryo, type mo na ang babae kaya may bahid na nang pagpapansin ang mga kilos mo. 

Humahanga ako sa inyong determinasyo na mapabuti ang kinabukasn ng inyong pamilya. Hangad ko na manatiling makulay ang inyong pagsasama. 

Sabay ninyong paunlarin pa ang inyong skills sa arts. 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with