^

Dr. Love

Nabisto

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Limang buwan ko nang kasintahan si Renz. Kilala na siya ng buong family ko at buo na ang pasya kong siya na ang lalaking aking pakakasalan.

Pati nga mga parents ko ay kumbinsidong kami na ni Renz ang nakatakda para sa isa’t isa. Minsan, tinanong siya ng tatay ko kung ano ang plano namin sa hinaharap.

Sabi niya, nag-iipon na siya para sa aming kasal at sa aming future. Pero isang araw, may nakapagbalita sa akin na may asawa na si Renz. Nung una ay ikinaila niya pero bandang huli ay umamin siya.

Ngunit sinabi niyang kalahating taon na silang hiwalay ng asawa niya at lumalakad na sa korte ang kanilang annulment. Nang sabihin ko ito sa mga pa-rents ko, nagalit sila at sinabing kalasan ko si Renz.

Mahal ko si Renz at umaasa sa nalalapit nilang annulment. Ano ang maipapayo mo sa akin?

Regine

Dear Regine,

Sundin mo ang payo ng parents mo dahil hindi nagibng tapat si Renz. Wala kang mapapala sa lalaking sinungaling. Kaya tama ang mga magulang mo. May katuwiran silang magalit.

Kahit ako ang nasa kalagayan nila ay magagalit ako dahil niloko niya ang mahal kong anak.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with