^

Dr. Love

Hindi na tatandang dalaga

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nalusaw ang banta ng pagiging matandang dalaga nang isama ako ni kuya sa birthday ng kapatid ng gf niya.

Si Edz na nung una ay naiilang pa sa akin. Kalog kasi ako at talagang hindi ko siya nilubayan kausapin, hanggang naging panatag na ang loob namin sa isa’t isa.

Ang akala ko, pagkatapos ng party tapos na rin ang aming communication. Pero nagde-date na kami nang paulit-ulit.

Nalaman ko na talagang itensyon ni kuya na ipakilala ako dahil baka raw maging matandang dalaga ako.

Guess what kung anong nangyari, Dr. Love…I’m pregnant now at ikakasal na kami bago matapos ang buwan ng Feb-ibig.

Naunahan ko pa si kuya.

Kaya naman walang araw na hindi niya ako kinakantsawan.

Mala-raket ship daw ang bilis ng ligawan at ngayon ay ikakasal na kami ni Edz. Pero sinabi  rin niya na masaya siya para sa akin.

Hindi lang si kuya ang very vocal tungkol sa relasyon namin ni Edz, kundi maging ang buong pamilya ko ay naghahangad na maging masaya kami at laging puno ng pagmamahalan.

Excited na ko at talagang thankful kay kuya para sa lahat.

Kaya ok lang kahit asarin niya ako hangga’t gusto niya.

Ara

Dear  Ara,

Nakakatuwa kayong magkuya, sana all ganyan kaganda ang samahan ng magkapatid. Salamat sa pagbabahagi mo ng inyong love story ng iyong husband to be.

Minsan sa buhay natin, ang taong magpapaligaya ay nasa paligid lang pala at ang kaila-ngan lang ay tulay na magbibigay ng ugnayan sa magkabilang panig.

Hayaan mo na ngayon palang ay batiin na kita ng best wishes!

Hangad ko na mula sa pagmamahalan ninyong mag-asawa ay lumago ito at maging matibay pa para matatag na pamilya ang inyong mabuo ninyo.

DR. LOVE

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with