^

Dr. Love

Umibig sa pari

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pseudonym na Magdalena upang mapangalagaan hindi lang ang aking reputasyon kundi ng isa pang tao na alagad ng Diyos.

Dalawampu’t tatlong gulang na ako at ang asawa ko ay babaero at puro sama ng loob ang idinudulot sa akin at sa aming anak. Si father ang naging father confessor ko.

Sa kanya ko isinisiwalat ang aking mga sama ng loob. Kahit noong araw pa, may crush na ako kay father. Twenty six years old lang siya at simpatiko. Maganda ang boses niya at nakaka-touch siyang magsermon. Crush ng bayan kumbaga.

Nagkahulugan ang aming mga puso dahil naaawa siya marahil sa akin. Nagtagpo kami sa isang lihim na lugar at may nangyari sa amin. Minsan lang ‘yun pero pareho kaming nagsisi dahil hindi namin dapat ginawa ang kataksilang yaon. Sabi niya, natukso lang siya at ayaw na niyang maulit ‘yon.

Ayaw na ring makipag-usap sa akin ni father dahil hindi na raw dapat akong humingi ng payo sa kanya.

Baka raw mahulog kami uli sa tukso.

Pagpayuhan mo ako.

Magdalena

Dear Magdalena,

Tama si father na hindi ka na dapat sumangguni sa kanya. Pareho kayong marupok at maaaring maulit ang inyong pagkakamali.

Paano kung magbunga ang inyong kataksilan, eh ‘di mas malaking eskandalo ang mangyayari lalo na para sa kanya na alagad ng simbahan?

Humanap kayong mag-asawa ng professional marriage counselor na pwedeng mag-advice kung paano malulutas ang inyong problema.

Dr. Love

vuukle comment

PRIEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with