^

Dr. Love

Nagkalamigan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagsimula ang pagsasama namin ng ka-live-in ko nang masaya, dahil kapwa dama namin ang init ng aming pagmamahalan.

Guwapo ako at artistahin ang beauty niya, at sa loob ng isang araw, may tatlong beses kami kung magtalik.

Bago matulog, sa mada-ling araw at pagkagising sa umaga.

Tawagin mo na lang akong Donato at ang kinakasama ko ay si Lanie. Pareho kaming edad 20 nang magsama kami at ngayon ay 32 anyos na kami.

Sa paglipas ng mahigit isang dekada ay nabawasan na ang aming interes sa sex.

Minsan, lumilipas ang isang linggo na wala kaming pagtatalik. Madalas din na kung kinakalabit ko siya ay umaayaw na siya dahil wala daw sa mood.

Nagkakalamigan na ba kami at wala nang pag-ibig na namamagitan sa amin?

Donato

Dear Donato,

Huwag mong asahan na ang dating gana sa pakikipagtalik ay pang-habang-panahon. Sa mahigit sa isang dekada ay maaaring pagsawaan ang sex, lalo pa’t kapwa agresibo kayo sa unang yugto ng inyong pagsasama.

Pero hindi ito nangangahulugan na nawala na ang pag-ibig.

Ang sex ay isa lamang pa-labok sa pag-iibigan pero mawala man ito, hindi kukupas ang tunay na pag-ibig.

Isang bagay ang nais kong itanong, bakit hindi kayo magpakasal ng iyong kinakasama? Hindi kasi naaayon sa kalooban ng Diyos ang pagsasama ng babae at lalaki ng walang kasal.

Kung walang balakid, ang payo ko sa inyo ay magpakasal kayo para kamtan ang bendisyon ng Panginoong Diyos.

Anong malay mo, maaaring ang pananamlay ng iyong kapareha ay dahil sa nag-aandap-andap na pag-asa kung mauuwi ba sa pag-alok mo sa kanya ng kasal o mananatili na lang kayo sa isang bubong pero walang seguridad ang matagal nang pagsasama.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with