^

Dr. Love

Nasorpresa sa secret admirer

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang akong Asenav. Naniwala ako sa mga papuri niya sa akin sa aking Instagram at fb. Lahat na yata ng pino-post ko ay nila-like niya. Madalas nga heart pa.

Lagi niyang sinusundan ang story at reel ko. Masaya lang daw siya kapag nakikita ang pictures ko.

Buo na raw ang araw niya. At ang mga ginagawa kong acitivities sa araw- araw.

Noong una natatakot ako, baka isa lang siyang masamang tao na binibilog ang ulo ko. Ilang beses ko na ring ina-unfriend ang fb account niya para hindi na niya ako masundan.

Aba nang mag-face to face na kami sa school, ipinagtapat ng isang katropa ko na siya ang may kagagawan kung bakit ako laging sinudundan ng isang guy na ‘yun. Ipinakilala niya sa akin ang lalaking iyon.

Na-surprise naman ako, isa palang super gwapo ang guy kaso may kapansanan. Maikli ang kaliwa niyang braso.

Secret admirer ko raw siya at nahihiyang lapitan ako.

Sobrang hiya ko dahil mali ang nasa isip ko. Marami na kasing nanloloko sa social media kaya pati siya ay napagdudahan ko.

Asenav

Dear Asenav,

Hindi naman masama ang pagdududa mo dahil talagang marami ang nabibiktima ngayon ng mga modus at scam.

Maswerte ka at mali ang akala mo. Don’t worry, mag-sorry ka na lang sa lalaking number one fan mo. Siyempre kapag nag-post ka, tiyak na may magla-like.

Who knows baka siya na ang future mo, biro lang. Anyway maganda kung maging makaibigan kayo at kakilala naman pala siya ng tropa mo.

Ayaw mo nun, naa-appreciate ng isang tao ang ganda mo. At nagiging inspirasyon ka niya. Kaysa naman isa ka sa pinag-uusapan dahil sa mga kalokohang pinaggagawa sa buhay tulad ng iba. Di ba? Post lang ng post ng positive vibes.

Pero ingat pa rin ha, sa ibang ka-chat mo.

DR. LOVE

DR LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with