^

Dr. Love

Relasyong walang budget

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang akong Denver. Grade 12 po ako. Parang nakukulangan ako sa relationship namin. Kaya nga noon pa, ayokong ituloy ang panliligaw ko. Dahil una ang layo ng bahay nila sa bahay namin. Taga Maynila ako, siya naman taga Alabang. Hindi ko siya maihatid dahil sa wala naman akong budget sa pamasahe.

Kaya eto, nagtitiis ako na sa fb chat na lang kami. Kaso gusto niya, lagi kaming magkita. Eh, paano wala naman akong budget. Gusto niya pinupuntahan ko siya sa kanila.

Ilang buwan pa lang kami, parang ayaw ko na. May gf nga ako, pero hanggang fb lang. ‘Pag magkasama kami, ayoko na siyang luba-yan. Gusto ko matagal kaming magkasama.

Magastos nga lang, kailangan may pera ka para makapag-date kayo. Siguro sasabihan ko na lang siya na huwag muna naming ituloy ang aming relationship.

Hindi ko alam kung seryoso siya sa akin. Sinagot niya ako, kahit minsan lang kami magkita.

Denver

Dear Denver,

Ang isang relationship ay parang suka, habang tumatagal lalong sumasarap. Kaya huwag kang mainip at huwag mong tingnan kung magkano na ang ginagastos mo para sa gf mo.

Tanggapin mong isang challenge, na kahit malayo kayo sa isa’t isa ay patuloy pa rin ang pagmamahalan ninyo.

Tiyaga at pang-unawa ang kailangan. Kung alam mo sa sa-rili mo ang kanyang halaga sa iyo, iingatan mo ang relationship ninyo at hindi ka angal nang angal.

Ok, pag-isipan mong mabuti kung ano ang gusto mo, may gf ka pero kaila-ngan mong mag-exert ng effort o maging malungkot ka dahil naghiwalay na kayo?

DR. LOVE

DENVER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with