^

Dr. Love

Pinagbintangang nagtaksil

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Swertihan lang daw ang pag-aasawa. Kung sinwerte ka, makakatagpo ka ng ulirang kabiyak na mapagmahal at maalalahanin. Kung minalas ka, kalbaryo ang aabutin mo sa iyong napangasawa.

Tawagin mo na lang akong Susan, 29 anyos, may asawa at ngayon pa lang ako nagdalantao matapos ang tatlong taon naming pagsasama ng aking mister.

Sobra at wala sa katuwiran kung magselos siya. Pagdating niya ng bahay at makikita niyang nakaa-yos ako at mabango, sasabihin niyang siguro ay may kinatagpo akong lalaki.

Kung minsan, nakakatikim pa ako ng sampal at masasakit na salita sa kanya.

Lagi kong ipinagdarasal na sana magbago siya. Isinusumpa ko na kalian man ay hindi ako nagtaksil o nakaisip na pagtaksilan siya. May takot ako sa Diyos at hindi ko gagawin ang ganon.

Minsan, nakiusap na makigamit ng cr ang nagbabasa ng kuntador ng tubig, hindi na raw niya matitiis dahil ihing-ihi na siya. Nasa itsura naman niya na hindi na niya mapipigilan pa, kaya pinayagan ko siyang gamitin ang banyo malapit sa kusina namin.

Kung bakit ba naman parang nanadya ang tadhana, sakto paglabas ng cr ng lalaki ay siya naman pagpasok nang dumating kong asawa. Hindi na niya pinakinggan ang paliwanag ko at sa halip ay binubog niya ako.

Naglilihi na po ako nung panahon na ‘yun. Pero sa halip na matuwa ay itinatakwil ng asawa ko ang sanggol sa aking sinapupunan dahil hindi raw kanya ‘yun. Hindi ko na kaya, Dr. Love. Tulungan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin.

Susan

Dear Susan,

Para maliwanagan ang asawa mo, pagkapanganak mo ay ipa-dna test mo ang baby. Hindi kita masisi kung hindi mo na matagalan ang wala sa katwirang pagseselos at abusadong pananakit sa’yo ng iyong asawa. Pero ang pakikipaghiwalay ay ang pinakahuling hakbang na dapat mong ikonsidera. Dapat sikapin mo muna na mahimok siyang magbago.

Kung hindi siya magbabago, malamang ay may mental disorder na siya at nangangailangan ng professional help.

Dapat mo na siyang ikonsulta sa psychiatrist o clinical psychologist. Dito mo pa lang puwedeng ikonsidera ang annulment ng inyong kasal kung kayong dalawa ay legally married. Dahil ang labis na pananakit ng isang asawa sa kanyang misis ay matibay na ground para ipawalang bisa ang kasal.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with