^

Dr. Love

DNA test

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Please allow me to use a pseudonym dahil kontrobersyal ang love story ko. Tawagin mo na lang akong Elsie, 27 anyos. Teenager pa ako ay marami na akong naging boyfriend at halos bawat isa sa kanila ay nakagalaw sa akin.

Masyado kasi akong liberated. Hanggang sa natagpuan ko ang ideal man ko na walang kaalam-alam sa background ko. Kahit kami na, I continue engaging in sex with other men, inclu-ding my boyfriend.

Nang mabuntis ako, hindi ko alam kung sino sa mga lalaking gumalaw sa akin ang ama. Kaya ipinasya ko na yayaing pakasalan ang boyfriend ko. Hindi naman siya tumanggi at nairaos ang aming wedding. Sinabi ko kasi sa kanya na nagbunga ang aming nakaraang pagtatalik. Tuwang-tuwa naman siya.

Nang maikasal kami at isinilang ko na ang aking anak, bigla siyang nagpasyang ipa-DNA test ang aming baby.  Para akong binuhusan ng malamig na tubig pero wala akong magawa.

May nakapagtsismis yata sa asawa ko tungkol sa pagiging playgirl ko.  Ipina-DNA test namin ang sanggol at ngayon ay kinakabahan ako sa magiging resulta. Nagpe-pray ako na sana, siya ang ama ng aking anak.

Ano ang gagawin ko?

Elsie

Dear Elsie,

Sana nga ay lumabas na siya ang ama ng anak mo sa DNA test. Pero kung hindi, ihanda mo ang iyong sarili sa posibleng mangyayari.

Kung ako ang asawa mo, tiyak na magagalit ako sa ginawa mong panloloko sa akin. Pero mayroon din namang lalaki na sa laki ng pag-ibig ay puwedeng magpatawad at angkining kaniya ang anak mo sa ibang lalaki.

Ipanalangin mo na sakali man at hindi niya anak ang baby, sana ay mapatawad ka niya. Kung hindi naman, bunga iyan ng isang pagkakamali na dapat mong tanggapin.

Dr. Love

vuukle comment

DNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with