_ngayon
^

Dr. Love

Sigalot sa pinabuburang tato

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Cristalyn. Lagi naming pinag-aawayan ang tato na ayaw ipabura ng mister ko.  Kapag nakikita ko kasi ang tatong iyon ay nangangamba akong magkabalikan pa sila ng ex niya. Alam ko namang ako ang dahilan kaya sila nagkahiwalay. Magkakaibigan na kami noon pa.

Hindi ko itinago na noon pa ay mahal ko na ang lalaking minahal niya. Pero mas kuha ng babaeng iyon ang loob niya. Nanlumo ako nang ipakita niya ang tato sa kanyang braso. Mukha ng kanyang mahal.  Masakit man, pinagbigyan ko na lang sila. Umiwas na ako sa kanila.

Nagtanan sila at dapat ikakasal na pero ako ang naging dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan. Hinamon ko ang kanyang pagkalalaki.

Sinabi ko na kahit isang gabi lang at hindi ako aasa pa. Kaso nagkabukingan, nahuli niya kaming nagsisiping.

Matagal ko na kasing gustong mapasa-akin ang lalaking nahuhumaling sa babaeng hindi naman pala siya totoong mahal.

Bakit ko nasabi iyon? Kasi kung totoong mahal niya ang mister ko na ngayon, dapat ipinaglaban niya ang kanyang pagmamahal.

Pero ano? Pinamigay na lang niya ng ganun. Kaya kami ang nagkatuluyan.  Alam kong mahal na rin ako ng mister ko.

Kaso kapag nakikita ko ang tato sa kanyang braso, naiirita ako. Kinukulit ko na siyang ipabura iyon pero ayaw niya. Hanggang lagi na kaming nag-aaway tungkol doon.

Cristalyn

Dear Cristalyn,

Wala kang dapat ipangamba.

Nakuha mo na ang gusto mo. Natatakot ka dahil sa ginawa mong pang-aagaw, tama ba? O baka naman dahil mahal pa rin ng mister mo ang ex niya.

Kahit naman na-kaguhit na ang larawan ng mukha ng babaeng iyon sa braso ng mister mo, wala na ring halaga kung burado na ang kanilang nakaraan.

Ikaw ang dapat magbura.

Tanggalin mo na sa isip mo ang lahat ng inyong nakaraan. Ikaw pa nga ang dapat humingi ng tawad sa babaeng iyon kung tutuusin. Pero hinayaan na lamang niya kayo.

Huwag kang patalo sa nararamdaman mo. Pilit ka lang nitong gagambalin hanggang sa ikaw ay bangungutin.

Ang mainam, hu-mingi ka ng tawad sa Diyos sa anumang na-ging pagkukulang mo. At humingi ka rin ng tawad sa mister mo sa ginawa mo sa kanila.

Nang sa gayon ma-ging malaya ang isip mo sa inyong nakaraan.

DR. LOVE

CRISTALYN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with