_ngayon
^

Dr. Love

Binago ng pagsubok

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Dina. Noong pinakasalan ko ang mister ko. Halos lahat ng mga tao ay gulat na gulat. Sa dinami-rami nga raw ng mga lalaki, bakit ang mister ko pa ang napili ko.

Walang trabaho, walang tinapos, walang direksyon sa buhay. Gwapo lang pero hindi mo maaasahang uunlad ang buhay namin.

Maraming beses ko rin pinagdenisisyunan na maghiwalay na kami lalo na nang magkaroon kami ng anak. Wala siyang ginawa kundi ang magtambay at uminom.

Sa limang taong tiniis ko, walang kabuhay-buhay ang aming kalagayan. Hindi rin naman ako nakatapos ng pag-aaral. Sa sobrang hirap ng buhay naming, parang gusto ko nang sumuko.

Kaya sinubukang kong mag-online business, ‘yung mga naitatabi kong magagandang damit binenta ko na. Ang mga kamag-anak ko gusto nang ipakulong ang asawa ko.

Nang magkasakit ang anak namin, doon siya natauhan. Hiniling ng asawa ko na mabuhay lang ang anak namin ay magbabago na siya. May magandang plano ang Diyos, ‘yan ang pinanghawakan ko.

Nagsimulang mag-extra sa pagkakarpintero ang asawa ko. Sinubukan din niyang magpinta hanggang sa may nakilala siyang negosyante. Kinuha siya ng isang painter na may business sa pagpi-paint ng bag, kaya natutuhan niyang magpinta. Laki-ng pasalamat ko dahil sa kabila ng kahirapan at pagsubok namin sa buhay may mga taong pinapadala ang Diyos para maging daluyan ng kanyang kabutihang loob at biyaya.

Dina

Dear Dina,

Salamat sa iyong magandang ibinahagi. Hindi natin alam, minsan ang akala mong katapusan na ng iyong buhay ay isa palang bagong simula. ‘Yung inaakala nating wala ng pag-asa ay may bagong liwanag ta-yong matatagpuan sa ibang taong may malasakit sa kapwa.

Tama ang ginawa mo, hindi ka sumuko. May pagsubok ang Diyos na nagbubukas ng diwa ng isang tao upang magbago. Kumusta na ang anak ninyo? Lagi kayong magdarasal at magpasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob niya sa atin.

Pasalamatan din ninyo ang taong nagbukas ng bagong pagkakataon sa iyong mister.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with