^

Dr. Love

Black belter ang gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Wala silang palag sa gf kong karatista. Simpleng babae na aakalain mong lapayatot. Iyon ang unang kita ko sa kanya. Nagtitinda siya ng sago’t gulaman sa harap ng simbahan namin.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa gym na sinalihan ko. Judo karate ang gusto ko kasi kumpleto, hindi lang puro tadyak at suntukan may hagisan at mga iba’t ibang teknik ng self-defense.

Nakakatatlong meeting pa lang ako nang makita ko siya roon sa gym. Akala ko bago pa lang siya roon.  Nang tawagin ang mga mag-e-exhibition. Nakita ko siyang naka-black belt, laking gulat ko. Ang simpleng babae na kilala ko ay isa palang black belter.

Simula noon humanga na ako sa kanya. Hindi naman siya suplada. Kaya lagi ko siyang nakakausap. Minsan siya pa ang trainor namin.

Hindi ko alam kung paano ko siya liligawan, baka ako pa ang ipagtanggol niya. Mukha naman akong may sinabi dahil matipuno ang katawan ko.

May mga sparring kami na nahihya ako kapag nanonood siya.  Hindi ko pinakikita na naiilang ako. ‘Yun lang, talagang minsan tinatawanan niya ako.

Inaya ko siyang kumain pagkatapos ng a-ming training at simula noon naging magkasundo na kami. Syempre, lakas din ng dating kapag inaankas ko siya sa big bike ko. Hanggang naging kami. Nagtataka nga ang mga kasamahan namin kung paano naging kami.

Minsan na subukan ko, nang siya ang nagtanggol sa akin sa isang gasolinahan. Kinulit kami ng lasing na driver. Kahit ma-laki ang katawan ko, walang akong sinabi sa gf ko. Kitang kita ko kung paano niya pinatulog ang lasing na driver. Nang dumating nga’ yung pulis, akala nila ako ang nang gulpi sa mama na iyon. One month anniversary namin. Pasalamat na lang ako at may gf ako na malambing at maipagtatanggol ako.

Janus

Dear Janus,

Mapalad ka dahil may gf kang black belter. Siyempre isang asset ‘yan. Pero ingat pa rin lagi ha. Mas mainam na umiwas sa  anumang uri ng away. Be proud of her. Pero ingatan mo pa rin siya. Kahit alam mong kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Huwag mo ring asahan na kaya niya lagi.

Alagaan at ingatan mo siya parang mga simpleng babaeng nakilala mo. Isang babae na dapat binibigyan ng buong atensyon.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with