^

Lihim ni Mando

(Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mando, 30 anyos at maligaya sa piling ng aking asawa at apat na anak. Sa likod nito, may nakahahambal na lihim akong itinatago nitong nakalipas na pitong buwan.

Buong-buo ang paniniwala ng aking misis na ako ay tapat sa kanya at ubod ng uliran. Totoo naman ito dahil sa pitong taon naming pagsasama, isa akong faithful husband. Pero tao lang ako at nagkaroon ng isang pagkakataong natukso akong makipagtalik sa ibang babae. Pinagsisihan ko ang pangyayaring yaon na hanggang ngayo’y lingid sa kaalaman ng aking misis.

Isang linggo matapos ang aking pagtataksil, sinabi sa akin ng babaeng aking nakaniig na siya ay HIV positive. Kasamahan ko sa trabaho na napaka-liberated at kung kani-kaninong lalaki pumapatol.

Kinabahan ako. Mabuti at hindi pa ako nakikipagtalik sa misis ko. Magmula noon, lagi akong gumagamit ng condom kapag nagtatalik kami ni misis dahil ayaw kong mahawa siya sakaling HIV positive na rin ako. Sinasabi ko na lang na ayaw ko pang madagdagan ang aming mga anak.

Hanggang kailan ko maitatago ang aking sikreto? Pagpayuhan mo ako.

Mando

Dear Mando,

Para sa ikapapanatag ng iyong kalooban, magpa-HIV test ka.  Kung positive ka, talagang dapat ka nang mag-ingat sa pakikipagtalik sa iyong misis. Kung hindi ka naman positive, para kang nahugutan ng tinik sa lalamunan.

Samantala habang wala pang kumpirmasyon sa estado ng kalusugan mo, tama ang ginagawa mong paggamit ng condom para hindi maisalin sa misis mo ang karamdaman.

Kung ano man ang results ng HIV test, ihanda mo ang iyong sarili. Sakaling positive ang resulta, hindi pa katapusan ng mundo dahil may mga nagagamit na gamot para mapabagal ang development ng karamdaman.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with